
ANG DIGITAL SECURITY HELPLINE
ANO ANG DIGITAL SECURITY HELPLINE?
Ang Digital Security Helpline ng Access Now ay nakikipagtulungan sa mga indibidwal at organisasyon sa buong mundo upang panatilihin sila’y ligtas online. Kung kayo ay nasa peligro, matutulungan namin kayong mapabuti ang inyong kasanayan sa digital security. Kung kayo ay kasalukuyan nang inaatake, kami ay nagbibigay nang mabilisang pagtugon sa panahon ng kagipitan.
Ang aming 24/7 na mga serbisyo ay makakabigay suporta sa walong wika: Ingles, Espanyol, Pranses, Aleman, Portuguese, Ruso, Tagalog, Arabo at Italyano. Kami ay tutugon sa inyong mga pakiusap sa loob ng dalawang oras.
PAANO NAMIN KAYO MATUTULUNGAN?
Kami ay isang organisasyon na nagbibigay ng libreng tulong para sa civil society sa buong mundo.
Kami ay nagmumungkahi ng direktang tulong teknikal at konsultasyon sa grupo ng mga civil society,
aktibista, media, mamamahayag, bloggers, at mga tagapagtanggol ng karapatang pangtao.
Ang Helpline ay sasamahan ang inyong organisasyon na pag-aralan ang mga peligro na inyong
hinaharap sa inyong mga gawain. Magkasama, bibigyan natin ng prayoridad ang inyong
pangangailangan sa digital security. Tutulungan namin kayong resolbahin ang mga kasalukuyang
problema, tuturuan kayo ng ilang mga importanteng mabubuting pamamaraan, at gagabayan kayo
patungo sa kinabakusan nang may matiwasay na kaisapan.
AMING MGA SERBISYO
24/7, nasa oras, direktong tulong teknikal at payo
Anumang hamon patungkol sa digital security ang inyong harapin, kami ay magmumungkahi nang malawak na serbisyo at mapagkukunan ng impormasyon na makatutulong na kayo ay maging ligtas online:
Agarang pagtugon sa mga insidenteng ukol sa digital security
Personal na mga rekomendasyon, tagubilin, at suportang susubaybay para sa mga isyu ukol sa digital security
Tumutulong tantiyahin ang mga panganib at lumikha ng mga stratehiyang pang-seguridad ng isang organisasyon o komunidad
Patnubay, kagamitan at materyales para sa edukasyon sa gawing pang-seguridad ng mga organisasyon, komunidad, grupo at indibidwal.
Suporta sa pagpapanitli ng seguridad ng mga imprastrakturang pang-teknikal, websites, at social media laban sa pag-atake.
Nagbibigay sangguni, capacity-building (ang pagtulong sa pamayanan upang mapabuti nito ang kanyang kakayahan), personal na konsultasyon, at pagsasanay.

DIGITAL
SECURITY
CLINIC
Ang Digital Security Clinic ng Access Now ay ihahatid ang Helpline sa inyo.
Ang aming mga technologists ay nagsasagawa ng mga clinics, konperensya at mga kaganapan sa buong mundo, kung saan ang mga kalahok ay maaring magpaabot ng kanilang mga katanungan at makatatanggap ng agarang tulong.
PAANO KAMI KONTAKIN
Fingerprint: 6CE6 221C 98EC F399 A04C 41B8 C46B ED33 32E8 A2BC
Kami ay lubos na sumusunod sa mga pinakamabuting kasanayan sa aming larangan, sa pagkolekta, pagtatago at paggamit ng mga sesnsitibong impormasyon. Para sa higit pang impormasyon kung paano namin pinuprotekhan ang inyong mga personal na datos, maari lamang basahin ang aming Data Usage Policy.

NASAAN ANG HELPLINE?
KOMUNIDAD AT MAPAGKUKUNAN NG IMPORMASYON
Ang Digital Security Helpline ng Access Now ay miyembero ng Civil Society Computer Emergency Response Team (CiviCERT), ito ay isang akreditadong CERT na ang layunin ay mapabuti ang kapabilidad ng mga grupo ng civil society at indibidwal sa buong mundo sa incident response.
Ang CiviCERT ay isang inisyatibo ng Rapid Response Network (RaReNet), isang samahan ng mga NGOs, internet content and service providers, at mga indibidwal na naglalaan ng kanilang oras at mapagkukunan upang ipalaganap ang kaalaman sa siguridad para sa mga grupo ng civil society sa buong mundo.
Bilang parte ng trabaho ng Access Now at pakikipagtulungan sa mas malawak pa na komunidad, kami ay lumilikha at nagaambag ng mga gabay at materyales para tulungan ang mga pamayanan, organisasyon, at indibidwal na pagtibayin ang kanilang digital security. Ang mga gabay na ito ay sumasaklaw magmula sa mga non-technical users pati na mga website administrators. Ilan sa mga gabay na ito ay mga sumusunod:
Digital First Aid Kit
Mapagkukunan ng mga impormasyon para sa mga hindi inaasahang pangyayari, tulad ng pagkakumpromiso ng inyong social account, pagatake sa inyong website, o nalalinang computer
Gabay para sa email Encryption gamit ang (Windows, macOS at Linux)
Gabay sa pag-setup ng encrypted email
Gabay sa mas ligtas na Pagbiyahe
Tulong para maging handa sa pagbiyahe sa mga de-peligrong lugar
Gabay sa Self-Doxing
Paalala at mga mapagkukunan nang kaalaman sa open source intelligence gamit sa sarili upang mahadlangan ang online doxing
Dokumentasyon ng Komunidad ng Helpline
Mga pamamaraan at dokumentasyon na aming nilikha na tumutulong sa aming mga gawain sa Helpline
Ang aming mga katuwang na organisasyon ay nakagawa ng ilan ding mga gabay at mapagkukunan ng impormasyon na matuturing naming makabuluhan sa aming mga gawain, at kung sakali ay sa inyo din. Ilan sa mga ito:
Security in a Box
Mula sa Frontline Defenders at Tactical Technology Collective
Surveillance Self-Defense
Mula sa Electronic Frontier Foundation
Umbrella
Mula sa Security First