DIGITAL SECURITY HELPLINE

DIGITAL SECURITY HELPLINE

ANO ANG DIGITAL SECURITY HELPLINE?

Ang Digital Security Helpline ng Access Now ay sa mga indibidwal at organisasyon sa buong mundo upang panatilihin silang ligtas online. Kung kayo ay nasa peligro, matutulungan namin kayong mapabuti ang inyong kasanayan sa digital security. Kung kayo ay kasalukuyan nang inaatake, kami ay nagbibigay nang mabilisang pagtugon sa panahon ng kagipitan.

Ang aming 24/7 na mga serbisyo ay kayang sumuporta gamit ang siyam na wika: Ingles, Espanyol, Pranses, Aleman, Portuguese, Ruso, Tagalog, Arabo at Italyano. Kami ay tutugon sa inyong mga pakiusap sa loob ng dalawang oras.

PAANO NAMIN KAYO MATUTULUNGAN?

Kami ay isang organisasyon na nagbibigay ng libreng tulong para sa civil society sa buong mundo.
Kami ay nagmumungkahi ng direktang tulong teknikal at konsultasyon sa grupo ng mga civil society,
aktibista, media, mamamahayag, bloggers, at mga tagapagtanggol ng karapatang pangtao.

Sasamahan ng Helpline ang inyong organisasyon na pag-aralan ang mga peligrong inyong kinakaharap sa trabaho. Magkasama nating bibigyan ng prayoridad ang inyong mga pangangailangan sa digital security. Kami ay tutulong na lutasin ang inyong mga kasalukuyang problema, magtuturo ng mga importanteng best practices, at gagabay sa inyo patungo sa pagkakaroon ng mas ligtas na mindset.

SINO ANG AMING MATUTULUNGAN?

GRUPO NG MGA CIVIL SOCIETY AT MGA AKTIBISTA

Kung kayo ay inaatake base sa inyong gawain at aktibismo, matutulungan naming siguruhing ligtas ang inyong komunikasyon, protektado ang inyong online accounts, at panatilihing ligtas ang inyong mga sensitibong impormasyon.

MGA SAMAHAN NG MEDIA, MAMAMAHAYAG AT MGA BLOGGERS

Ang inyong news site ba ay na-block o naalis online? Nangangailangan ng tulong para sa ligtas na komunikasyon sa inyong editors at impormante? Kami ay makakatulong.

MGA TAGAPAGTANGGOL NG KARAPATANG PANGTAO

Kung kinakailangan niyo mang protektahan ang inyong komunikasyon, manigurong ligtas ang pagkakakubli ng mahalagang ebidensya o alin pang sensitibong mga datos, o mapanatiling ligtas ang inyong pagbiyahe, kami ay narito upang tumulong.

ANG AMING MGA SERBISYO

24/7, real-time, direktang tulong teknikal at payo

Anumang hamon patungkol sa digital security ang inyong harapin, kami ay naghahandog nang malawak na serbisyo at resources upang kayo ay matulungan maging ligtas online:

Agarang pagtugon sa mga insidenteng ukol sa digital security

Rekomendasyong personal, tagubilin, at mga sunod na suporta para sa mga isyu ukol sa digital security

Rekomendasyong personal, tagubilin, at mga sunod na suporta para sa mga isyu ukol sa digital security

Patnubay, materyales pang-edukasyon, at mga kagamitang pangseguridad para sa mga organisasyon, komunidad, grupo, at indibidwal

Suporta sa pagpapapanatili ng seguridad ng mga teknikal na imprastraktura, mga website, at social media laban sa mga atake

Referral, pagbuo ng kapasidad, personal na konsultasyon, at pagsasanay

DIGITAL
SECURITY
CLINIC

Ang Digital Security Clinic ng Access Now ay ihahatid ang Helpline sa inyo.

Ang aming mga technologist ay nagsasagawa ng mga clinic, konperensya at kaganapan sa buong mundo, kung saan ang mga dumadalo ay maaaring magtanong at makakuha ng agarang tulong.

PAANO KAMI KONTAKIN

[email protected]

Fingerprint: 6CE6 221C 98EC F399 A04C 41B8 C46B ED33 32E8 A2BC

Kami ay garantisadong susumunod sa mga best practice sa larangan ng information security tuwing nangongolekta, nagtatago, at gumagamit ng mga sensitibong impormasyon. Para sa karagdagang impormasyon kung paano namin pinoprotektahan ang inyong personal na datos, pati na ang aming Terms of Service, mangyaring basahin ang aming Data Usage Policy.

TULONG!

1. I-EMAIL ANG HELPLINE
"help@accessnow.org
"
"Ipadala sa amin ang inyong pakiusap o
katanungan ukol sa seguridad! Kung maaari
ay gamitin ang aming PGP key. Kayo ay
makatatanggap nang mabilis na
kumpirmasyon sa inyong email."
"2. KAMI AY
MAKIKIPAG-
UGNAYAN SA INYO"
"Kayo ay makatatanggap ng sagot sa
loob ng dalawang oras mula sa amin."
"3. SISIGURUHING
PROTEKTADO ANG
ATING PAGUUSAP"
"Kami ay 1) pakasisiguro na protektado
ang paraan ng ating komunikasyon, at 2)
tatalakayin ang inyong mga
pangangailangan."
"4. KUMPIRMAHIN ANG IYONG IMPORMASYON
"
"Sa una niyong paglapit sa amin, kakailanganin naming kumpirmahin sa
aming mga pinagkakatiwalaang katuwang na kayo mismo ang ang taong
kausap namin. Partikular dito, aming kukumpirmahin ang inyong e-mail
address at ng inyong organisasyon.
"
"5. HUMINGI NG TULONG
"
"Kami ay magbibigay suporta sa inyong pangangailangan, dagdad dito ay ang
ma-aaring pagsangguni sa ibang organisasyon upang magbigay serbisyo sa inyong
pakiusap at pakikipagtulungan sa kanila upang masigurong ito ay maihahatid.
"
"FEEDBACK?
Ipaalam sa amin kung kayo ay may
kadagdagang mga katanungan o isyu!"

NASAAN ANG HELPLINE?

KOMUNIDAD AT MAPAGKUKUNAN NG IMPORMASYON

Ang Digital Security Helpline ng Access Now ay miyembro ng Civil Society Computer Emergency Response Team (CiviCERT), isang akreditadong CERT na layuning paunlarin ang kakayahan sa incident response ng mga civil society group at mga indibidwal sa buong mundo.

Ang CiviCERT ay isang inisyatibo ng Rapid Response Network (RaReNet), isang samahan ng mga NGOs, internet content and service providers, at mga indibidwal na naglalaan ng oras at resources upang malawakang ipalaganap ang kaalaman sa seguridad sa mga grupo ng civil society.

Bilang parte ng trabaho ng Access Now at kolaborasyon sa malawakang komunidad, kami ay lumilikha at tumutulong sa paggawa ng mga gabay at materyales para tulungan ang mga grupo, organisasyon, at indibidwal na pagtibayin ang kanilang digital security. Ang mga gabay na ito ay nakakasaklaw sa mga non-technical na user pati sa mga website administrator. Ilan sa mga gabay na ito ay ang mga sumusunod:


Digital First Aid Kit

Isang resource para sa mga sitwasyong pang-emergency, tulad ng pagkakumpromiso ng inyong social media account, pag-atake sa inyong website o computer


Gabay ng Helpline para sa PGP Email Encryption (Windows | Mac | Linux)

Gabay sa pag-setup ng encrypted email


Gabay ng Helpline para sa mas ligtas na pagbiyahe

Tulong para maging handa sa pagbiyahe sa mga de-peligrong lugar


Gabay ng Helpline sa Self-Doxing

Paalala at resources sa paggamit ng open source intelligence sa sarili upang mapigilan ang online doxing


Dokumentasyong Pangkomunidad ng Helpline

Mga pamamaraan at dokumentasyon na aming nilikha na umaalalay sa aming mga gawain sa Helpline



Ang aming mga katuwang na organisasyon ay nakagawa ng ilan ding mga gabay at resources na makabuluhan sa aming trabaho, at kung sakali ay sa inyo din. Ilan sa mga ito ay:


Security in a Box

Mula sa Frontline Defenders at Tactical Technology Collective


Surveillance Self-Defense

Mula sa Electronic Frontier Foundation


Umbrella

Mula sa Security First