Access Now Digital Security Helpline – FAQ

Digital Security Helpline BG

Access Now Digital Security Helpline – FAQ

Ano ang Access Now’s Digital Security Helpline?

Ang Access Now’s Digital Security Helpline ay isang libreng serbisyo na available 24/7 para sa civil society sa buong mundo. Ang grupo ng aming mga espesyalista sa digital security ay nagbibigay ng teknikal na payo at agarang tulong sa mga miyembro ng civil society upang mapaigting ang kanilang digital security.

Sino ang maaaring dumulog sa Helpline upang humingi ng suporta?

Ang misyon ng Access Now ay ipagtanggol at palawakin ang mga karapatang digital ng mga tao at komunidad na nasa panganib. Ang aming mandato sa Helpline ay tumulong sa mga aktibista, mananaliksik, midya, mamamahayag, blogger, at mga tagapagtanggol ng karapatang pantao. Kung hindi kayo sigurado kung mapapabilang kayo sa aming mandato, mangyaring tignan ninyo ang sumusunod na patnubay.

Anong uri ng suporta ang inaalok ng Helpline?

Ang Helpline ay nakatuon lamang sa digital security at ang suportang ito ay iniaangkop sa inyo. Maaari kaming tumulong sa mga karaniwang isyu sa digital security, tulad ng pagbibigay ng payo sa pag-secure ng mga device o account na inyong gamit, pagtulong sa pag-iisip kung paano mag-communicate online, hanggang sa pagtulong sa mas advanced na banta, tulad ng pagtulong na maprotektahan kayo o ang inyong organisasyon mula sa cyber attacks o surveillance technology.

Narito ang mas detalyadong impormasyon tungkol sa aming mga serbisyo.

Paano ako makakakontak sa Helpline?

Magpadala sa amin ng email. Sasagot kami sa loob ng dalawang oras at tutulungan kayo mag-set up ng secure communications channel.

Upang maiwasan ang ibang banta at matiyak na ang aming grupo ay nakasuporta sa civil society, nagsasagawa kami ng beripikasyon bago magpatuloy sa pagbibigay ng suporta.

Mangyaring basahin muna ang mga hakbang dito bago magpadala ng mensahe. Matapos nito, maaari na kayong mag-email sa help[at]accessnow[dot]org.

Paano kung hindi ako sigurado kung kwalipikado ang aking isyu?

Maaari pa rin kayong magpadala sa amin ng email, Ipapaalam namin kung kami ay makakatugon sa inyong isyu.

Saan nakabase ang Helpline? Maaari ba akong pumunta nang personal?

Ang aming Helpline ay binubuo ng mga espesyalista sa digital security mula sa iba’t ibang parte ng mundo. Dahil dito, kami ay nakakatugon ng 24/7, 365 na araw sa taon. Ang aming serbisyong maibabahagi ay fully remote at hindi nangangailangan ng pagpunta sa pisikal na lokasyon.

Ipinaalam sa iyo ng isang ibang organisasyon. Dapat ko bang banggitin iyon?

Oo. Kami ay nakikipagtulungan sa mga organisasyon at propesyunal na sumusuporta sa civil society sa buong mundo, sa tulong ng mga networks tulad ng Computer Incident Response Center for Civil Society (CiviCERT).

Kung kayo ay dati nang dumulog sa aming mga partners o pinagkakatiwalaang indibidwal, mangyaring ipaalam din ito sa amin o ipakiusap na sila ang direktang ikonekta kayo sa amin. Makakatulong ito sa pagpapapabilis ng ating proseso ng beripikasyon.

Gaano katagal aabutin upang makatanggap ng sagot?

Kayo ay makakatanggap ng sagot sa loob ng dalawang oras mula sa inyong unang mensahe. Depende ang pagresolba ng inyong isyu sa complexity nito o sa kapasidad ng aming team.

Maaari ba kayong tumulong gamit ang iba’t ibang wika?

Oo. Bagamat ang Ingles ang pinakagamit na wika ng aming team, maaari din kayong dumulog sa amin sa wikang Arabo, Pranses, Aleman, Portuges, Ruso, Espanyol, Tagalog, at Ukrainian.

Libre ba ang Helpline?

Oo. Hindi naningil ang Helpline para sa ibinabahagi nitong suporta.

Maaari ba kayong makatulog sa pag-iwas o pagbawas ng mga digital na atake?

Oo. Ang pag-iwas ang pinakamainam na depensa. Mangyaring i-review lamang ang aming mga gabay sa resources section ng aming website.

Kung hindi nasagot ng mga ito ang inyong isyu, maaaring ang aming team ang makapagbigay ng mga angkop na gabay at suporta upang tulungan kayong mabawasan ang inyong mga digital security risks.

Maari ba kayong makatulong sa mga legal na isyu?

Hindi. Kami ay maaaring magbigay lamang ng teknikal na suporta ukol sa digital security. Walang kapasidad ang aming team upang magbigay ng direktang legal na payo o representatsyon. Para sa mga legal na tanong ukol sa suporta ng aming Helpline, kabilang ang tungkol sa strategic litigation, mangyaring mag-email sa Access Now Legal team sa legal[at]accessnow[.]org.

Maaari ba kayong tumulong sa mga isyu na walang kinalaman sa digital security, tulad ng paglilikas o relokasyon, pisikal na security, o psycho-social support?

Hindi. Ang aming focus lamang ay digital security. Ang ibang mga requests tulad ng agarang suporta sa pisikal na seguridad, legal o medikal na gastusin (kabilang ang psycho-social support), paglilikas o relokasyon, ay hindi saklaw ng aming mandato at kapasidad. Gayunpaman, maaaring makatulong sa iilang mga bagay na ito ang Grants team ng Access Now sa mga grassroots at frontline na organisasyon. Maaari ninyong i-review ang mga requirements dito sa kanilang website.

Maari ba kayong makatulong sa pagkuha ng internet access?

Hindi kami nagbibigay ng pondo o suporta sa pagkuha ng internet access.

Kung ang inyong komunidad ay nakakaranas ng internet shutdown – ibig sabihin, ang sadyang pag-block ng internet o mga communication apps, platforms, o serbisyo – maaaring kami ay makapagbigay ng gabay upang maiwasan ang blocking o makakonekta sa internet muli ng ligtas at anonymous.

Kumpidensyal ba ang serbisyo ng Helpline?

Oo.

Upang makatulong, ang Helpline ay maaaring magbahagi ng impormasyon na inyong binigay sa amin, kabilang ang personally identifiable information, sa ibang bahagi ng team ng Access Now, sa mga pinagkakatiwalaang partners, o sa mga tech companies kung mahigpit na kinakailangan. Ito ay para maisagawa namin ang proseso ng beripikasyon at mabigyan kayo ng mahusay na direktang teknikal na tulong.

Hindi namin inilalathala ang inyong identidad o ang tulong na aming ibinabahagi sa inyo na walang tahasang pahintulot mula sa inyo. Nakikiusap lamang kami na hindi rin ninyo banggitin o ilathala ang Access Now, ang Helpline team at ang mga miyembro nito, o ang mga ibinahagi sa inyong tulong ng Helpline team sa kahit anong pampublikong midya o forum. Mangyaring basahin ang aming terms of service sa Helpline.

May direkta akong nakausap na miyembro ng Helpline. Maaari ba akong ikonekta sa kanila?

Posible ito, ngunit ang lahat ng aming komunikasyon ay ginagamit ang main Helpline email. Matapos na mag-email sa amin at makumpleto ang proseso ng beripikasyon, maari ninyong i-request na ikonekta kayo sa miyembrong ito. Ang amin ay ang matiyak na maibigay sa inyo ang suporta na inyong kinakailangan mula sa team member na pinakamainam na makatulong sa inyo, base sa kanilang expertise, kasanayan sa wika, o kalaaman sa inyong bansa o rehiyon.

May nakilala akong miyembro ng Access Now at nais kong kumonekta sa kanila o bigyan sila ng imbitasyon sa isang kumperensya o miting. Dapat ba akong magpadala ng email sa Helpline?

Hindi. Sa halip, i-check ninyo ang contact information ng mga miyembro ng Access Now dito. Kung ang inyong hinahanap na miyembro ay hindi nakalista, mangyaring magpadala ng mensahe sa aming general contact email.